blackenedblueheart

i am the villain of the story

Friday, June 16, 2006

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo
na ako'y isang mortal
Hindi ko kayang abutin
ang mga bituin at buwan
O di kaya'y sisirin
perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo
na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan
karaniwang karanasan
Dala-dala kahit saan
pangaraw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko
sa iyo'y di ko matitiyak
na pag ako'ng inibig mo
kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap
sikapin nating maabot
Ngunit kung hindi pa maganap
sana'y wag mong ikalungkot

kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y sinisinta
sana'y yakapin mo ako
imulat ang iyong mga mata
Ang kayaman kong dala
ay pandama at kalayaan
na natutunan sa iba
na nabighani sa bayan

Halina't ating namnamin
isang malayang daigdig
upang doon palaguin
isang malayang pag-ibig


Kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako
kasama ng ating mundo...


thanks tin!

the first time i heard this song, i fell in love with it's honesty. i love it still.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

may kulang pa pala ge..

Halina't ating namnamin
isang malayang daigdig
upang doon palaguin
isang malayang pag-ibig

secopnd to the last line

Wed Jun 21, 11:56:00 PM GMT+8  

Post a Comment

<< Home