sad truth?
Gising, Pare.
Tumatanda ka na, tol.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong
kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung
kinaaaliwan mong
child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na
crush mong matinee
idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!".
Ngayon, pag may
sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang
botika na ang cabinet
mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal
jelly, tsaka ginko
biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lech on,
sisig, kaldereta,
inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon,
nagkukumpulan na
lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng
tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen,
napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya
ninyo. Wala na ang
best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may
problema ka. Ang
lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong
hindi ka sigurado
kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang
hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo
kayang
pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.
Kung sabagay,
nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng
pera at umakyat sa
tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang
pagkakaibigang umusbong
galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong
pagkakaibigan. Pera
din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe,
Smart, at Sun. Alipin
ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa
expressway. Alipin ka
ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng
BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant
pancit canton. Ngayon,
dapat may kasamang italian chicken ang fettucine
alfredo mo. Masaya ka
na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para
makapagswimming. Ngayon,
ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto
Galera ang lugar. Dati,
sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon,
pagkatapos ng ilang
bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o
Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa
income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon
kahit tumataas ang
sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati
na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit
nasa iyo na ang mga
gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento..
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito
para maging isa lang
sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo
ang dahilan kung
bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay
uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi
ka. Lumingon ka kung
paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay
na nagpasaya sa
yo. Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home